Testimonial
Panibagong-Buhay
Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating Patron na si San Ildefonso de Toledo. Noon panahong ako po ay dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay, taong 1991 po noon sa labis na kalungkutan gawa po nang nag-abroad ang asawa ko, palagi akong nag-iisip. Nangako po siya na uuwi after one year eh hindi po natupad dahil sa work niya sa abroad. Naguluhan ang isip ko, apat po ang anak ko sa ngayon. May naghimok sa akin na sumapi sa Born Again. Pero hindi ko kagustuhan iyon nadala lang ako sa kapatid ko. Ang ginawa niya ay pinag aalis lahat ng santo sa bahay. Isinilid niya lahat sa sako taos ibinaon daw niya sa lupa. Iyon ang dahilan kaya ako nagkasakit ng depression. Ipinagamot nila ako sa albularyo at sa doctor.
Isang araw, naisip ko na mag balik-loon sa pagiging Katoliko. Naisipan kong magsimba dito sa ating simbahan. Noong papasok pa lang ako sa may pintuan, parang may malakas na pwersang tumutulak sa akin na pumasok sa loob. Nakatingala ako sa ating mahal na San Ildefonso na patawarin ako sa lahat ng nagawa kong pagkakasala. Umuwi po noon ang asawa ko at pinagamot ako sa doktor.
Pagkaraan po ng ilang buwan ay gumaling din ako. Isinama na po kami ng asawa ko sa abroad, naiwan naming ang dalawang anak dahil noong kasalukuyang nasa elementarya pa sila. Dalawa lang po ang nakasama namin.
Malakas po ang pananampalataya ko kay San Ildefonso. Sa ngayon po ay propesyonal na lahat ng anak ko.
Concepcion L. Aris
ParishionerShare us Your Miracle Stories
You can also send your stories to our official email account
[email protected]
together with your details and supporting documents.