Prayers


Panalangin Sa Virgen La Purisima Concepcion
O Mahal na Birhen La Purisima Concepcion, taglay mo ang grasya ng Panginoon sa simula pa lamang ng kalinis-linisang paglilihi sa iyo. Dakila ang karangalang ito, na ipinagkaloob sa iyo ng Ama upang maging marapat na Ina ng aming Panginoong Hesukristo at kabanal-banalang Esposa ng Espiritu Santo. Sa pamamagitan mo ay buong puso naming iniaalay kay Hesus ang aming sarili, mga panalangin, mga gawain, tuwa, at mga tiisin sa araw-araw naming pamumuhay ng buo naming puso at kaluluwa. Tulungan mo kami, O Inang kalinis-linisan na manatiling buhay sa grasya ng Panginoon. Matuluran nawa namin ang iyong kalinisan at kabanalan sa ikararangal ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.
Bayan:
Amen.
Namumuno:
Virgen La Purisima Concepcion, Ina at Segunda Patrona ng Bayan ng Tanay,
Bayan:
Ipanalangin mo kami!