ππππππ | ππππππππππ ππππππ
By Most Rev. Ruperto Cruz Santos, DD
Published on January 25, 2026
Biyernes, 23 Enero 2026
San Ildefonso ng Toledo sa Tanay, Rizal
Mga minamahal kong mga kapatid kay Kristo, isa pong maligayang kapistahan ang ating Parokya, San Ildefonso ng Toledo. Batiin po natin ang ating mga katabi sa kaliwa at kanan βHappy Feastday.β Sabihin din po natin sa ating mga katabi sa harapan at likuran βsalamat sa inyong pagdating, sasaiyo ang biyaya ng Panginoong Diyos.β Maraming salamat po, purihin po natin ang Panginoong Diyos!
Mula sa inyong mga nabasa tungkol sa ating mahal na patron, ano pa ang nais natin mabatid? Mula sa marami natin napakinggan pa ano ang nararapat sa atin ngayong kalagayan, higit sa lahat dito sa atin sa Simbahan?
Si San Ildefonso ay mabuting tagasunod sa atin mahal na Birheng Maria. Siya ay lubhang masugid tagapangaral ng natatanging katangian ng mahal na Ina ni Jesus. Siya ay nanalangin sa mahal na Birheng Maria. Nagpapaliwanag ng mga aral tungkol sa kanya. Tumatanggap din ng mga pagtatama sa maling pag-aakala sa mahal na Birheng Maria.
Sa kanyang pagbibigay ng mga pangaral at payo, si San Ildefonso ay magalang at mabuti. Siya ay mahinahon, umunawa at may mababang loob. Hindi nagmamataas. Hindi nagmamayabang. At hinding hindi rin marahas.
Kilalang-kilala siya sa kanyang sinulat tungkol sa pagkabirhen ng ni Maria, bago pa, at sa pagsilang kay Jesus at mula sa pagkasilang sa Panginoong Jesus. Pinangaral niya ito na hindi pagalit, hindi palaban at hindi pananakot. Bagkus may pag-unawa at may awa.
Ang kanyang buong buhay ay pananalangin sa mahal na Birheng Maria. ito po ngayon ay ating dasalin:
I beg you, o holy Virgin, that I may have Jesus
from the Spirit from whom you conceived Jesus.
Let it be granted to me to know Jesus from the Spirit,
from whom it was given to you to know,
to have and to bring forth Jesus.
May I in my lowliness speak exalted things of Jesus in the Spirit
I whom you confess yourself to be the handmaid of the Lord,
choosing that it be done unto you according to the angelβs word.
May I love Jesus in that Spirit I which you adore Him as Lord,
contemplate Him as your son.
Amen.
Iyan po ang kanyang panalangin. Iyan po ang kanyang hiling na tulad at sa pamamagitan ng Birheng Maria ay makilala si Jesus nang mabuti. Makapagsalita tungkol kay Jesus nang maganda. At magmamahal kay Jesus nang matapat.
Samakatuwid bilang namimintuho kay San Ildefonso at nanalangin sa Mahal na Birheng Maria ikaw at ako ay kumikilala sa bawat isa nang mabuti, at hindi paninira. Magsasalita kay Jesus at sa iba nang maganda, at hindi masama. At magmamahal kay Jesus at sa bawat isa nang matapat, at hindi naglilinlang.
Mga minamahal kong mga kapatid kay Kristo, sa malalim at makahulugang ugnayan ni San Ildefonso sa mahal na Birheng Maria, pagnilayan po natin ang isang napakasimpleng katotohanan. Opo isang mabigat na katotohanan na hindi kumukupas, hindi rin magwawakas. Ano po ito? Ang isang ina ay laging nagmamahal sa kanyang mga anak nang pantay-pantay, buong buo at walang hinihingi o hinihintay na kapalit. Amen po ba?
Kung tatanungin po natin ang isang ina, at kayo ay ina, o kaya ikaw at ako ay may ina, nang ganito βano ba ang magpapaligaya sa inyong puso bilang isang ina? Bihira o hindi ninyo maririnig na nais nila ay regalo, papuri o anumang mga materyal na bagay.
Ang tunay na nagpapasaya sa puso ng isang ina ay ang makita na ang kanyang mga anak ay may pagsusunuran, may pagbibigayan, at may pagmamahalan. Ito po ang atin pagninilayan, tatandaan at babaunin pag-uwi upang atin isabuhay.
Una. Pagsusunuran. Iyan po ang buhay at isinabuhay ng mahal na Birheng Maria. Winika niya kay arkanghel Gabriel βako ay alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabiβ (Lukas 1,38). Sinabi ni Maria sa mga katulong doon sa kasalan sa Cana, Galilea βgawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyoβ (Juan 2,5). Hindi makipagtalo sa Diyos. Hindi sumuway sa Diyos. Nakipaka-isa sa Diyos. Si Maria ay sumunod.Β Β Β Β Β Β
Β Β Si San Ildefonso ay naniwala sa aral ng Simbahan. Ito ay kanyang tinanggap. Siya ay naging tapat. Hindi tumanggi. Hindi tumutol. Ginawa niya ang turo ng Simbahan, walang dagdag- bawas. Si San Ildefonso ay sumunod.
Tayo ay anak ng Diyos. Kapatid tayo ni Jesus. Patron natin si San Ildefonso. Ang mahal na Birheng Maria ay atin Ina. Tayo po ay sumunod.
Ang isang ina ay nagagalak kapag ang kanyang mga anak ay hindi nagkakanya-kanya. Hindi baβt masakit sa kalooban ng isang ina na makita niya na ang kanyang ay nagsusumbatan, nakikipagmatigasan at palaging palaban? Tanungin natin ang ating mga sarili nasisiyahan ba ang atin mahal na Ina, ang Birheng Maria kung ang kanyang katangian at pangalan ay ating pang pinagtatalunan? Β
Β Β Tandaan po natin at tularan ang ginawa nag batang si Jesus na βsiya ay umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring anakβ (Lukas 2,51). Balikan po natin ang ginawa ng mahal na Birheng Maria, at iyan din ang ating gawin βang lahat ng mga bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang pusoβ (Lukas 2,51).
Pangalawa. Pagbibigayan. Batid natin at tanggap na tanggap na ibinigay ng mahal na Birheng Maria ang kanyang panahon, kakayahan at lakas sa pangangalaga, pag-iingat at pagkalinga kay Jesus. Ang mahal na Birheng Maria ay tunay nga na βnanatili sa paanan ng Krusβ (Juan 19-25).Β Ibinuhos ni San Ildefonso ang kanyang husay, ang kagalingan at buong panahon upang ipaliwanag ng mabuti, labis na maganda at lubhang malinaw ang tungkol sa pagiging at pananatiling pagkabirhen ni Santa Maria.
Ibinigay nila ang lahat lahat. Hindi kakaunti. Hindi kapiraso. At hindi kapos. Bagkus buong buhay nila at hanggang sa wakas ng kanilang hininga.
Anong salita ang hindi mo makakalimutan mula sa iyong ina? Hindi baβt ang salitang βhating kapatid?β Na ang ibig sabihin ay walang lamangan. Walang gulangan. Walang isahan. Ito ay nangangahulugan ng pagdamayanan, ng pagtutulungan. Sa simpleng salita ay pagbibigayan.
Kung may isang bagay na tunay na nagpapasaya sa puso ng isang ina, ito ay masaksihan niya na ang kanyang mga anak ay nagbibigayan. Hindi ito simpleng pagbabahagi ng kung anong mayroon ka, ito ay mas makahulugan. Iyan ay pagbibigay ng pang-unawa. Pagbibigay ng pagtanggap. Pagbibigay ng paggalang.
Ang pagbibigayan ay hindi paligsahan kung sino ang mas tama, kung sino ang mas magaling, o kaya kung alin ang mas nararapat. Hindi rin ito paghahanap ng pagiging panalo. Sa halip, ito ay pagnanais na ang kabutihan ng lahat ay ang manaig.
Ang tunay na pagbibigayan ay nagaganap sa pagpapakumbaba. Iyan ang kakayahan sabihin at gawin βhindi kailangan ako ang masunod.β Tanggapin at bigkasin βmaari kong unahing ang kapakanan ng iba.β Sinabi sa atin San Juan Bautista βhe must increase, and I must decreaseβ (John 3,30).
Sa isang mag-anak may mga pangyayari na sila mayroong magkakaibang pananaw o pagkilos at pagtugon. Natural iyan. At batid iyan ng isang ina. Datapuwat ang kagalakan ng isang ina ay makita na ang kanyang mga anak ay marunong magparaya, marunong umunawa, at marunong magbigay-daan.
Baunin po natin na kapag ang mag-anak ay nagbibigayan, wala pong mawawalan. Lahat ay natutulungan. At mangyari pa, magkakaroon ng kapayapaan, may kasaganaan at nagkakaroong pagkakaisa.
Panghuli. Pagmamahalan. Higit sa lahat ang isang ina ay nagagalak kapag nakikita niya na ang kanyang mga anak ay nagmamahalan. Hindi baβt ito ang kanilang bilin sa atin na tignan mo ang iyong kapatid, na ang ibig sabihin ay ingatan mo siya na hindi mapahamak, kalingain mo siya, na hindi maiwan at alagaan at hindi mabigo.
Ang pagmamahalan ay pagtanggap sa kanila na sila ay hindi katunggali, hindi karibal at hindi sagabal. Bagkus katulong at katuwang sa mga gawain ng Panginoong Diyos. Ang pagmamahalan ay pag-unawa, at hindi pagmamamataas, pagmamalasakit at hindi paghahari-harian.
Dala ng pagmamahal si Maria ay lumabas, lumakad upang damayan si Elisabet sa kanyang napipintong panganganak kay Juan Bautista. Dahil sa pag-ibig ang Birheng Mari ay nagpakita kay San Ildefonso at kanyang sinabi βyou are my chaplain and may faithful notary. Receive this chasuble, sent by my Son from among His treasury.β At inatasan si San Ildefonso na isuot ito sa mga pagdiriwang ng kanyang mga kapistahan.
Sa pamamagitan ng pag-ibig si San Ildefonso ay hindi sumuko, hindi naging mahigpit o nagtanim galit sa mga naliligaw at naiibang paniniwala tungkol sa pagkabirheng si Santa Maria. Sa pag-ibig niya sa Diyos at kay Santa Maria, patuloy siya sa pagsunod sa mga aral ng Simbahan, nagbigay ng kanyang panahon at kakayahan, nagmahal pa rin sa kanyang mga hindi kapanalig.
Naitanong mo ba sa iyong sarili, ano ang kagalakan ng isang ina? Naitanong mo na ba sa inyong mga sarili, ano na ang nais kaya sa akin ng mahal na Birheng Maria? Ang kasagutan ay makita niya na tayong kanyang mga anak dito sa lupa, dito sa Parokya ng kanyang chaplain and faithful notary San Ildefonso ng Toledo ay may
Pagsusunuran. Pagbibigayan. Pagmamahalan.
+Ruperto Cruz Santos, DD
Obispo ng Antipolo at Kura Paroko



