Ang Maluwalhating Pag-aakyat sa Langit kay Maria

By SIDTP SoCom

Published on August 15, 2024

Ang pag-akyat ng Mahal na Birheng Maria sa Langit ay isa sa mga pinakamahalagang kaganapan sa ating Simbahang Katoliko. Ang kaganapang ito ay hindi lamang isang paniniwala kundi isang makapangyarihang simbolo ng kabanalan at pagkakahiwalay ni Maria mula sa mundong ito, patungo sa isang maluwalhating estado kasama ng Diyos.
Manalangin Tayo
O Mahal na Birheng Maria, Ina ni Kristo at Ina ng Sambayanan, kami ay lubos na nananalangin na kmi ay iyong Ipanalangin sa Diyos at sa iyong Anak na kami ay kaawan katulad ng pagkilos ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Awa at Habag ng ikaw ay iniakyat sa Langit ng kanyang mga anghel.
Sa Huling Sandali ng iyong buhay dito sa daigdig, na ikaw ay iniakyat ng buong katawan at kaluluwa. Dito ay ipinakita mo ang iyong pananalig sa Diyos mula ng ikaw ay nasa sinapupunan pa ni Santa Ana. Nawa ay kami din ay makasunod sa iyong mga gawa at mamuhay kami ng ayon sa kagustuhan ng iyong anak. Ikaw ay mapalad sa lahat ng salinlahi dahil sa mga dakilang bagay na ginawa mo at biyayang itinamo mo sa Makapangyarihan – Banal ang kanyang pangalan.
Kami po ay nananalangin sayo, yamang ikaw ay nakikisalo na sa iyong Anak sa kaluwalhatian sa Langit, sapagkat ang Puso mo ay laging nakaka ala-alang dumamay sa mga tulad naming nangangailangan ng tulong, patawad at kalinga ng Awa ng Diyos. Ibulong mo po kami sa iyong Anak sapagkat naniniwala kaming bilang isang Ina ni Kristo ay malapit ang kanyang kalooban sa iyo, at yaring aming buhay ay maging bahagi ng buhay mo at ni Hesus gayon din ng Diyos Ama.
Kami po ay naka-asang matupad ang aming mga hinihiling kung ito ay kalooban ng Diyos para sa amin, at amin siyang paglingkuran katulad ng inilaan mo sa kanya mula noon, hanggang ngayon na ikaw ay kanyang itinampok at iniakyat sa langit sapagkat ang buhay mo ay katangi tangi. Siya nawa.
Mahal na Birheng Maria na Iniakyat sa Langit
Ipanalangin mo Kami.
Back to Catechesis