Testimonial

Panata at Paglilingkod

Bilang isang binyagang Katoliko Romano, napakalaki ng aking pasasalamat sa ating Patron na si San Ildefonso de Toledo. Mula noon hanggang ngayon ay damang dama ko na hindi nya ako pinapabayaan. Ang buhay naming ay payak ngunit puno ng pag mamahal, Lima kaming magkakapatid may tricycle si tatay kaya hatid sundo kami sa paaralan at noong akoy Sampong taon gulang ay katulong na ako ni nanay sap ag titinda ng kakanin sa oob ng palengke sa maliit naming pwesto.

Limang taon gulang pa lamang ako ay namulat na ako sa pagdadasal, hindi pinapatulog ng “Lilang❞ o Lola ng hindi nagdarasal ng nakaluhod mayroon kaming altar na puno ng maliliit na santo at santa. Tuwing umaga at nag sisimba si lilang at sa gabi ay nag nag dadasal sa patay o mga kaluluwa. Noon sila grupo pa lamang ang nag darasal o nag sisiyam sa mga namamatay lagi akong sinasama ni lilang, napaka haba nila magdasal bukod sa Rosaryo ay may Latin pa silang dinarasal. Ang aking lilang ay relihiyosa kahit sa mga kalapit na Parokya tulad ng Baras, Pillila, Taytay, Famy Siniluan tuwing fiesta ay hindi nakakalimot magsamba dahil sa pasasalamat. Ang mga pinupuntahan niya ay naging kanyang mga kaybigan noong panahon ng Hapon uso noon ang tumatapo o nakikituloy sa kadahilanan sila ay nag tatago sa mga hapones, maliit pa lamang ako ay nakilala ko na ang mga patron sa bawat bayan sa katunayan kaya palaging akong sinasama ni Lilang sa Siniluan dahil isinilang ako sa kaarawan nina San Pedro at San Pablo.

Dito sa Bayan ng Tanay, ang lilang ko ang unang nagkaroon ng Santa Kurus na maliit, tuwing Mayo ay pinagdiriwang at palaging hinehiram ng mga nag papa Santa Elena at sa mga bahay na gusting mag pa Santa Kurus. Ang Krus na ito ay nakuha ng aking lolo sap uno ng Tikla sa bukal na dinarayo ng marami dahil ito ay nakakagaling ng sakit.

Dito rin sa Tanay isang angkan naming ang nag pasimula ng “Senakulo” tuwing mahal na araw ako ay gumaganap bilang si Santa Marta, hanggang ngayon ang ang aking mga pinsan at pamangkin ay gumaganap pa at dumarayo sa ibat ibang bayan.

Sampong taon ako ng maging member ng Jr. Legion of Mary, isinasama ako ng aking nakakatandang kapatid na labing apat na taon gulang na tumira at pinagaral ng tita Quesang Bendaña, sila ay relihiyosang pamilya pamilya at matulungin ako ang pumapalit sa aking ate, hindi rin kami natutulog ng hindi nakakapagdarasal ng rosary, tessera, at ibang pang dasal ng may kasamang latin ni tita, Nag sisimba araw-araw at abala tuwing may Okasyon, Fiesta ng San Ildefonso inaayos ang imahen at kavo ng O.L of Guadalupe para sa prusisyon at magpapakain ng bandang musiko, tuwing mahal na araw Santa Veronica, Mayo nag-aalay ng bulaklak, pasko inaayos ang Imahen ng Immaculate Conception at Simbang gabi na lagging naming binubuo.

Dahil labing walo taon na ako, kailangan ko na lumipat sa Sr. Legion of Mary. Dito ang maraming gawain tulad ng pagbibisita sa mga nakakatanda at may sakit at papadalhan ng pari para bigyan ng sacramento, Block Rosary, pagtuturo ng katesismo, pagdalaw sa Hospital at kulungan, naghihikayat ng magkukumpisal at magsisimba at pag hawak ng Jr. Praesidium.

Noon wala pang assign sa mga misa, kaya kami ni ate ang ngungulekta lalo na kung araw ng Miyerkules at Linggo laging nag-aalay ng kandila, bulaklak sa altar tuwing may misa at nakikiisa sa lahat ng prusisyon.

Ang aking ina ay Charismatic, Si tatay at ang tatlo nyang kapatid na lalaki ay Krista at kami ni ate ay Legionaries.

Nang nakatapos ako ng pag-aaral ay nakapagturo ako PJMES ng apat na taon sa Kinder at ang pinaka gantipala bigay sa akin ng San Ildefonso ay mababait na biyanan at tatlong anak na lalaki at ang aking masipag at mabait na Asawa.

Sa panahon ng Covid-19 marami sa atin ang natakot lumabas, ngunit ang grupo naming ng Social Ministry at PPC na pinamumunuan ni Msrg. Rig at naging matapang na sinasalubong ang mga tao sa bawat barangay hanggang bundok tuwing Huwebes para mag bigay nbg ayuda na galling sa ating mga kababayan. Sa patnubay ni San Ildefonso na palagi amin tinatawagan ay hindi kami nagkakasakit o nahahawa ng Covid.

Mula noon Sampong taon gulang ako hanggang ngayon hindi ako umaalis sa Legion of Mary, nag la live lang tuwing manganganak sa tatlo kong anak na lalaki ng tatlong buwan. Lahat ng nakasabay ko matatanda noon sa Legion ay namatay na, ako na lang natira kaya ngayon ay hawak ko ang Vicariate ng San Ildefonso. Ngayon ay itinalaga ni Fr. Ferdie kami mag-asawa sa Social Ministry at ang aking bunsong anak ay nag Sakristan. Kaya hindi kami titigil sa paglilikod sa mahal nating Simbahan at Patron San Ildefonso de Toledo dahil sa pagbibigay sa aming buhay.

Joseph & Evangeline B. Mendez

Ministry Coordinators - Social and Human Development
Back to Testimonials

Share us Your Miracle Stories

Google reCaptcha: Invalid site key.

You can also send your stories to our official email account
[email protected]
together with your details and supporting documents.